Tuesday, March 3, 2009

Toxic

Toxic ang buhay ANSS sa Tower sa panahong ito. Grabe! Maliban sa sakit ng ulo at damdamin na aming nadarama sa pakikibalita ng mga pangyayari sa CAAP, marami din kaming trabahong dapat asikasuhin bilang preparasyon sa audit ng ICAO/FAA. Siyempre gusto naming paghandaan at ayusin ang lahat.

Noong nakaraang linggo ay sinimulan kong halungkatin ang aming mga log pra makita at maitala ang mga “trouble” ng bawat equipment o makina sa kani-kaniyang equipment record card (ERC). Ang ERC ay isa sa mga kailangan sa audit. Isipin ninyo, labin-limang taon na mahigit ang Tower pati na rin ang mga equipment na nandirito. Mahaba-haba pa ang trabahong aking bubunuin.

Sabagay, sabi ng aming mga supervisors, magandang preparasyon ito para maalala namin ang mga trouble noong nakaraan at maiukit din ito sa aming isip at puso. Hindi daw magtatagal at kaming mga subordinates ay magiging shift supervisor na rin. Ano? Ako? Hmmm...

Naapektuhan din kami dito sa Tower ng pagbabalasa o reorganization na nangyayari ngayon sa ANS at sa buong CAAP.

Noong nakaraang taon lang ay si Sir Willy ang aming hepe. Naisipan na niyang magretiro noong Disyembre. Marahil ay ayaw niyang makibahagi sa kaguluhang nangyayari ngayon.

Ngayong Enero 2009 ay pinalitan siya ni Sir Gigi. Masayahing tao si Sir Gigi at medyo maluwag sa pamumuno. Kami naman ay nakiayon sa kanyang bagong pamamahala. Ngunit, wala pang dalawang buwan ay nag facility meet ing na naman kami na iba na ang “Presider” dahil si Sir Gigi ay nalipat na sa opisina ng aming dibisyon (ANS Office). Kasabay niyang lumipat si Sir Alex, na pangalawang hepe (assistant FIC). Sir Sir Alex naman ay napunta sa ibang dibisyon, sa ANSO (Aerodrome & Navigation Safety Oversight) Hindi ako sigurado kung tama ang pangalan na ito. Bago kasi ang grupo na ito; ang pangunahin nilang responsibilidad ay gumawa ng mga safety procedures at makiusyoso kung nasunod ang procedures na kanilang ginawa.

Simula noong akinse ng Pebrero, si Sir Jun Ibay na ang bago naming “facility-in-charge” o FIC. Pero sinabi din nya sa meeting na siya ay naka-line up din na umakyat sa opisina kaya maghanda-handa nalang daw kami na magbago ng administrasyon muli. Tatlo pa silang balak kunin ng opisina: si Sir Jun Beleno III at si Mam Vivian.

Kaya ang matitira nalang ditto sa Tower ANS ay 1.) si Sir Ed, na magreretire na rin sa mga susunod na buwan, nagaantay lang ng guidelines; 2.) si Sir Vito, na sana ay makakuha na ng eligibility para pwede na siyang mag assume na FIC; 3.) si Sir Lope; 4.) si Bernadette; 5.) Ako, na nagpapalipat ng Davao o kung hindi man, ay nagbabalak pa ring umalis.

Bibigyan naman daw kami ng mga bagong ANSS dito. Pero sa bagal ng usad ng proseso ng pag fill up ng mga posisyon, goodluck na lang kung kailan pa yon.

Merong ililipat mula sa Subic na si Sir Charles na ayaw naman sa Tower, gusto sa opisina o sa ANSO. Ewan ko lang kung matatanggihan niya ang kanyang authority order na dumating na kahapon.

Dahil nga kakaunti na lang kami, ang aming schedule ay nagbago na rin. Panay overtime na kami ngayon. Overtime na baka hindi mabayaran. Isa na nga lang na maituturing kong day off. Kasi ang isang day off ko ginugugol ko sa pagaaral ng Cisco sa UP. Dati ako ang pinakamaluwang ang schedule sa boarding house, ngayon, halos hindi na nila ako nakikita. Ang sabi pa nga ng boardmate ko “super straight” daw ang aking duty. Hehehe. Ganon talaga ang buhay.

Maayos din naman mamahala si FIC, mas istrikto at very perfectionist. Nagladlad kami ng kable (telephone cable)kagabi, binantayn nya talaga na walang mintis ang pagkakaayos sa cable tray. Sinimulan na din naming isaayos ang equipment room. Inayos lahat ang mga mesa, upuan, mga manuals, test equipments, forms, at iba pa. Inilagay sa bodega o itinapon ang mga hindi na kailangan. Less clutter. Grabe naman, 15 years worth of clutter ang inayos namin. Mabuti nalang at masipag at mabilis din magtrabaho ang aking kasama kagabi, si assistant FIC, sir Jun Beleno.

Hanggang kaninang umaga ay hindi ako nkauwi kaagad dahil marami pa silang ginawa. Tumulong na rin ako. Ayos lang, nilibre naman kami ni FIC ng lunch. Bukas kaya ano pa ipapagawa?

Ok lang naman. Masaya ako sa mga improvements. Para din naman iyan sa lahat ng ANSS sa Tower.

Bukas kasama ko si Mam Vivian, mago-OT siya. Siya ang aking shift supervisor. Sa Biyernes, si Bernadette naman na kabatch ko ang kasama ko. Wala akong choice, ako ang magiging supervisor. Makakaya ko kaya? Kinakabahan ako sa arrangement na ito. Kaya ba ng aming girl powers patakbuhin ang buong Tower? Abangan!

Hay....

No comments: